"Mas okay na yung di sabihin ng tao na mahal ka niya,
kasi ramdam mo naman.. kesa sabihan ka ng mahal ka niya
pero di naman kaya ipadama.”
--Bob Ong
na-share ko lang. kulit eh noh? bigla ko lang naalala si Andrew E. sa banat na 'to. Oo nga naman, pasensha naman kung hindi vocal si Enoch pero kahit naman nung first time niya yon sabihin kay Andrew eh sabi ni Andrew "alam ko". O diba?! susyalan! kahit na ganon sha, naramdaman niya agad na ganon sha ni Enoch. Bakit? kasi nararamdaman ni Andrew E.
Eh yung mahilig mag "ilabyu babes" na para lang si Marvin Agustin? o diba? Ang dali sabihin pero hindi maipadama (oi! pina ngungunahan!). Madaling magsabi ng "mahal kita" sa taong hindi mo naman talaga mahal. Tignan mo, kapag nanliligaw ka diba? o kahit hindi naman talaga(kasi torpe ka). kahit anong pigil mo ipakita at ipadama na mahal mo yung tao, kapag gusto mo sabihin sakanya na mahal mo sha(kasi manhid sha o stone heart sha), ang hirap sabihin.
mahirap sabihin kasi hindi ganon kadali tanggapin ang isang rejection. paano kung ganito, ganyan? kahit na alam mong ganito, pero ganyan naman...ang daming rason para mag-hesitate magsabi ng tunay na nararamdaman.
kapag nasabi mo na, sasagutin ka ng alam ko. o kaya ngingiti lang. o kaya iibahin usapan. see? do u think that it's just one simple rejection. (pucha tama na nga english!)
pero diba? as long as walang 2, kahit hindi sha humindi, feeling mo rejected ka na? minsan ok yung ngiti lang pero hindi na okey yung biglang change topic.
ano yun? takot lang sila i-open sarili nila sa iba kasi alam nilang andrew e sila at isa lang may kayang magmahal sakanila? ewan ko ba...
...................................................................................................................................................
bago ako manuod ng Daria at bnbuff ko pa kasi, may i-babahagi lamang ako.
NANINIWALA BA KAYO NA ANG MGA PANGIT HINDING HINDI KA IIWAN AT SASAKTAN?
Anong dekada na ngayon, hindi na totoo 'yan! "humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay?"
i've done that but it didn't worked for me..
why?
maybe because were both pangit kaya hindi kami naging kami. pangit na nga ako, sa pangit pa ko magttrust ng love? anlabo noh?
KAHIT KELAN, MALABO AKO.. AT KAHIT KELAN, HINDING HINDI AKO MAGIGING MALINAW.
wala naman siguro babasa neto noh? kung meron man at nabadtrip ka, it means tamado ka. alam mong ginawa mo yan at nanakit ka, ayaw mo lang aminin na may BADBONES ka rin. ang hirap kasi, purke nagpapaka-humble ka at claim ka ng claim na kasalanan mo ang lahat kahit hindi naman, eh hindi nila i-aadmit na may kasalanan din sila.
"MASAKIT NA SA MATA, MASAKIT SA BULSA, MASAKIT PA SA PUSO"
....PASENSHA NAMAN,i-shshare ko lang dapat yung nasagap na banat ng utol ko ni Sir Bob eh bumalentong na kung saan saan tong pinagsasabi ko.
at ang dami ko na namang sinabi.
999 ngayon. baliktarin natin!
No comments:
Post a Comment