Ano nga ba una kong sasabihin? marami eh. umpisa pa lang naman to kaya hindi na dapat malito at pagkashahin sa isang entry ang lahat ng laman ng maliit kong kukote.
sa ngayon hindi ko alam kung okey ako.
bakit?
okey kasi may nalaman akong hindi ko rin alam kung matutuwa ako(hindi na imporante kung ano yung nalaman ko)
hindi kasi alam kong hindi pa rin ako okey kay (hindi na importante sino yun) kasi ewan ko? cold na sha?mmm....numb na sha sa nagsusulat neto,wala na nga ba talaga? namimiss ko na naman ata sya na hindi naman dapat
okey kasi...ewan, sa pagka metal metal ko tatlong araw na yata ang nakalilipas. pang apat na ngayon dahil linggo na.
hindi ko alam anong nakakagalak sa metal/death/black/annoying metal vid whatsoever at parang nawawala ang mga prublema ko sa buhay kapag nakakanuod ako ng metal videos na wala ka namanag ibang marinig kundi sigaw ng baboy at tila tahol ng galit na aso na paraan ng pagkanta(no offense sa mga metal pero na-enjoy ko sila infairness)
okey nga ba ako o hindi?
inaantok na ko kanina eh pero ayan! kung saan saang bansa na nakarating tenga ko sa iba't ibang lengwahe ng mga bandang naririnig at napapanod ko sa youtube. medyo nagising at eto, nadatnana at natulugan na ako ng lasing na dumating, hindi pa rin ako natinag dahil hinila na naman ako ng bago kong pinapakinggan SUICIDE SILENCE.
o! next time na lang kwento at sharing sa mga metal trip ko ngayon.
manunuood na muna ko last tapos matutulog na ako dahil alas kwatro na pala ng madaling araw.
No comments:
Post a Comment