Friday, September 11, 2009

BANATAN KITA DYAN EH!


Para akong ngsswing kanina sa jeep galing lrt pauwi rito. Nasaktuhan kagabi nga walang magawa si Diego kaya naghanap ng mga banat sa net. Nahanap nya yung banat page ni Bob Ong at dun ko nakuha yung naka-coat en uncoat dun sa baba(previous post).

Hindi ako pirata at kung mango-ngopya ako, hindi man alam nung manunulat na kinopya ko yung gawa niya, atleast, ina-acknowledge ko. (alam ko na dapat yan dahil naka-take3 ako sa Media Laws and Ethics subject ko nung college{comm110-hindi halatang kabisado ko})

Ayun nga, balik tayo sa patok na dyip adventure...

Pagkatapos ko magpaka-Paul Frank at Bape sa dyip, ayun,shempre nakaupo nko. Biglang nag-pop out sa isip ko ang bagong banat haha. Siguro na-inspire ako ni Bob Ong kahit hindi ko naman inexplore at binasa pa ng buo ang iph site niya ng mga banat.


"Kapag ikaw ay nagmahal, para kang sumakay sa patok na dyip....NAKAKATAKOT....lalo't alam mong hindi ka insured..."
-Enoch Tabirote


..............................................
Mahilig nga siguro ako bumanat at jumoke time pero alam ko sa sarili kong hindi na hango sa teks kowts ang mga banat at joke ko kasi
MAPAPAHIYA KA LANG PAG NAG-JOKE KA NG NAISALIN-SALIN NA SA TEKS.

Sabi kasi ni Meg nun sa kin, (last July lang ata) san ko daw nakukuha mga banat ko? sabi ko yung mga hindi nila alam malamang imbento ko lang. kaya nga never heard eh.>>magaling ba? ewan ko.kasi sagot lang niya "ahh.."


eh 'yang patok na jeep kasabihan na yan? narinig o nabasa nyo na ba sa mga cellphone nyo ha? Kapag nagka-load na ako, i-GGM ko yan! haha! kaso wala pa o wala na akong balak magload o magunli (which is baka mawala na sabi sa balita kanina) kaya dito ko na muna i-lalagay. swerte kung may makabasa na neto.
........................................................................................................................................

Pero teka, speaking of LRT.

Guys, 'wag na tayo maghuramentado sa pagiging DORA THE EXPLORER ng ating mahal na Presidente Gloria Macapagal Arroyo...

Bago na ang tiket ng lrt ngayon! teka, kelan pa ba 'yun? kanina ko lang kasi nakita eh. hehehe! (TUGUPAK!)

Ang point ko, kahit DORA THE EXPLORER si PGMA, nagawa naman niyang maglabas ng bagong tickets ng lrt2(nga lang ba?)....

'wag na punahin ang pangit!!!
pansinin naman natin ang magandang nagawa ni GMA na siya namang nagbigay ng magandang pagbabago sa ating kapaligiran



...........................................................................................................................................

Oh well, ngayon lang ako nagsalita tungkol kay GMA kaya sumakay ng dyip at nainlab sa isang pangit na puso ko ay biniyak.hindi naniwalang humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay dahil sinungaling ang kawaling pinaglutuan ng tinolang sinamaplukan kaya tumigil ang ulan at lumangoy sa isang basong tubig at nagpakalunod. nagpunta sa paraiso ng mt.pinatubo at hinabol ng landslide at sinabing "SURVIVOR AKO" at matapos nun, tarantadong pinoy na kumain ng sapatos, just do it. ang haba na, haba na ng hair ni andrew e kaya dapat na ako magpakalbo ulit. BATO BATO, ang mag-react, tamado! uy! affekted! guilty!



No comments:

Post a Comment