marami pa akong gagawin
pero di ko alam anong uunahin
inaantok na ang aking pakiramdam
pero ikaw pa rin ang aking minamanman
hanggang twitter na lang kita aalamin
baka sakaling maiba ang ihip ng hangin
bukas, makalawa, tayo'y magtagpo rin
at wala nang magpatupik pa sa atin
hindi man ako ang madalas na bida sa iyong buhay
okey lang kasi alam kong basta ikaw, kaya kong maghintay
marahil ako ang pinaka lame na taong nagkagusto sayo
ako rin ang pinaka lame na taong hinding hindi lalayo
sana ako na lang yung taong nagpapasaya at nagpapalakas sayo
sana rin ako na lang yung taong rason bakit tuloy paang umiikot ang mundo mo
ako man ang pinaka walang kwentang tao sa mundo ngayon
pero sana hayaan mong mahalin kita, para hindi ako maging isang patapon
No comments:
Post a Comment