Monday, October 26, 2009

WALL-E


just watched WALL-E..

naisip ko dati gustong gusto ko maging robot, and actually hanggang ngayon gusto ko maging robot.

sino ba naman may ayaw maging morethan super human? i mean diba? si Superman, Batman, Spiderman at kung sino sino pa...made of human beings pa rin sila eh, yun lang may powers sila na wala ang ordinaryong tao..kumbaga sila ay extraordinary..

bukod pa dun, kapag robot ka kaya mo gawin lahat...perfectly.

walang sablay,
walang palpak.

pinupuri ka kasi wala kang sabit.
kapag nag bug-down ka o nasira, gagawa pa sila ng paraan para maayos ka't mapakinabangan ulit. alam ng lahat na ang robot ay kapaki-pakinabang na bagay na considered creature na rin.

kapag robot ka, palitan lang parts mo okey na. hindi ka namamatay.

langis, araw, energy or charging lang ng batteries okey na. yun lang kailanagan mo para mabuhay. hindi mo na kailangan ng pagkain, maligo, ng bahay o kahit ano pa na kailangan ng tao.

robot ka, matigas ka. perpekto ka, mas makapangyarihan ka sa superheroes.
robot ka, manhid ka, wala kang pakiramdam, wala kang puso.
hindi ka nasasaktan.
hindi mo alam ang feeling ng love and affection.

trabaho lang.

pero nung napanood ko yung WALL-E na movie, natakot ako kasi sa movie na yun may feelings ang mga robot. hindi pala lahat ng robot matic. may robot pala na nakakaramdam ng sadness at amptiness. may robot pa lang nag-ccare at na-inlove. may robot na gusto may mahawakan silang kamay. may robot na nagmamahalan.

naisip ko, kahit pala maging robot ako, wala pa rin akong takas sa mga elementong talagang kailanagn ng isang creature para mabuhay at maka survive. saan kaya pwedeng sumuot na walang LOVE? kahit ata maging pusa ako kailangan pa rin yon.

buti pa si WALL-E may EVE-A
eh ako?

No comments:

Post a Comment