Tuesday, February 14, 2012

Innocenete lang ang nagtataka



Kahit nakaka bobo,
masaya pa rin maging innosente.
tatawagin ka nilang tanga,
pero di nila alam mas masarap maging mangmang
paminsan minsan.


Wala pa tayong mga alam noon.
Hindi pa kumplikado ang lahat.
Sabay lang tayong nasasabog, nawawasak.
Pareho lang tayong masaya.
Pareho lang tayong nakakalimot
ng kung anong nangyari kagabe.

Pero dati yun
Nung mga innocente pa tayo.

Ngayon, nagffeeling matalino na ako
Sobrang talino, inidolo ko ang kapangyarihan nila
para masanay mag isip ng mga bagay na hindi naman mangyayari.

Hindi na ba ako innocente?
Ikaw? Innocente ka pa ba tungkol dyan?
Pareho na ba tayong
nagpapanggap na innocente,
pero pareho nilalaman ng mga isipan?


Gusto kong bumalik sa pagka innocente.
Yun bang hindi pa tayo nagkaka badtripan?
Hindi mo pa ako inaaway.
Innocenete tulad nila
para hindi makitang sabog na sabog na ko
sa litrato.
litrato ng nakaraang kamunduhan.
Innoenteng innocente maging
sa nararamdmaan ko.

Innocente.
Para buhayain sa diwa
na hindi ka magiging akin.
at malabong
hindi ako mapapa saiyo.