Sa tagal ng panahon, noong MAHAL NA ARAW, medyo nairita ako.
nairita ako pagdating ko ng simbahan para magsimba.
paano ang daming tao pagdating ko dun.
as in akala mo na sa wowowee ka?
Palm Sunday yun eh.
Hindi ko ma-gets kung bakit ang simbahan biglang napupuno at umaapaw kapag may okasyon.
Holy week, pasko, undas(?), pista ng patron, bagong taon.
Linggo ng pagkabuhay, Biyernes Santo, Sabado de Gloria, Linggo ng palaspas---HOLY WEEK NGA!!!!!!!!!!!!!!!!!
Pasko, simbang gabi---- kahit na mahirap at pahirapan gumising ng simbang gabi.
o sige i-exempt natin ang simbang gabi kasi KAPAG DAW NAKUMPLETO MO IYUNG 9DAYS straight ng simbang gabi eh pwede ka magwish/ matutupad ang wish mo.
Hindi ko alam kung totoo 'yun. tnry ko na 'yun eh. 2x ako nag-attempt tapusin yun pero hindi ko matapos tapos.
Pero sa tingin ko hindi totoo yun, haka-haka lang yun para may umatend ng simbang gabi at magpursigeng tapusin yon.
Isa pa, hindi naman genie in a church si Jesus para pagwishan mo kapag simbang gabi eh. Wala pa nga siya nun diba? bakit ka magwwish sa hindi pa isinisilang.
Pero teka, bumalik tayo sa jampacked churches.
Bakit nga kaya ganon?
Puno ang simbahan kapag may okasyon.
Hindi ko talaga ma-gets.
Kapag umuulan o bumabagyo, pwede ka mahiga sa benches sa sobrang luwang ng simbahan.
(ayoko sagutin yung tanong ko)
Pero eto, opinyong hindi related sa jampacked simbahan.
Iyong mga tao laging lumalapit kay God kapag malaki ang prublema.
Paano kapag wala na silang prublema?
Ewan ko ba, ang patas talaga ni God, yung mga taong ganyan lagi niyang tinutugunan
pero yung ibang madalas lumalapit sa kanya kahit ordinary days walang okasyon lumapit hindi naman niya pinapansin. (malungkot?)
Ah.
Ang weird talaga.